PCC by:Alex
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
PCC by:Alex

pinoy christian comunity
 
HomePortalGalleryLatest imagesSearchRegisterLog in
Search
 
 

Display results as :
 
Rechercher Advanced Search
Latest topics
» asan na kayo mga sir at mam?????
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeMon Nov 03, 2008 12:14 pm by alexM

» asan na mga ka church ko?
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeWed Oct 08, 2008 1:20 pm by alexM

» recall of sony Vaio laptops.....read this!!!
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeThu Sep 11, 2008 12:15 am by alexM

» to all member of this forum...
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeWed Sep 10, 2008 1:36 pm by alexM

» ..youth afternoon service..
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeWed Sep 10, 2008 1:32 pm by alexM

» PC WALLPAPER DOWNLOAD HERE....
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeMon Sep 08, 2008 10:58 pm by alexM

» NEED lyrics ang chords?
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeSat Sep 06, 2008 4:54 pm by alexM

» USB shield/USB antivirus...automatic scan for your removable flashdrive...
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeSat Sep 06, 2008 4:51 pm by alexM

» noob killer ...remover of virus in your YM
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeSat Sep 06, 2008 4:45 pm by alexM

Navigation
 Portal
 Index
 Memberlist
 Profile
 FAQ
 Search
Forum
Affiliates
free forum
 



 

 ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak...

Go down 
2 posters
AuthorMessage
ccf_mae
super member
super member
ccf_mae


Female Number of posts : 93
Age : 32
Location : marikina
Registration date : 2008-09-03

..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Empty
PostSubject: ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak...   ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeThu Sep 04, 2008 6:55 pm

.Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag
dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng
sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag
mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag
mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo
o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag
mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.

Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan
mo anak noong bata ka pa?kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang
gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na
rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag
may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam
kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga
kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan
kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa
iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan
mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng
loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag
kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain
ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Back to top Go down
ccf_mae
super member
super member
ccf_mae


Female Number of posts : 93
Age : 32
Location : marikina
Registration date : 2008-09-03

..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Empty
PostSubject: Re: ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak...   ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeThu Sep 04, 2008 6:56 pm

..maging mabuti tayong anak.. Very Happy
Back to top Go down
alexM
Admin
Admin
alexM


Male Number of posts : 46
Age : 47
Location : marikina
Registration date : 2008-08-31

..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Empty
PostSubject: Re: ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak...   ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitimeThu Sep 04, 2008 11:48 pm

thanks for posting mae....naalala ko nanaman tong story na ito.... Crying or Very sad
Back to top Go down
https://pinoychristiancommun.forumotion.com
Sponsored content





..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Empty
PostSubject: Re: ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak...   ..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak... Icon_minitime

Back to top Go down
 
..ang madamdaming sulat ng magulang sa kanyang anak...
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PCC by:Alex :: Anything Goes Section :: Sad or Happy Story....-
Jump to: